P10-M shabu nasabat sa negosyante

TINATAYANG hindi kukulangin sa P10 milyon halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) for sa isang negosyante sa isinagawang buy-bust operation sa kahabaan ng Roxas Boulevard, sa Manila noong August 28, 2012.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. hindi aniya kukulangin sa dalawang kilo ng shabu ang nakumpiska ng kanyang mga tauhan kay Rhoderick Lunes, 34 anyos na coconut lumber trader, at residente sa Banlic, Cabuyao, Laguna.

Nauna rito, bandang alas 6:00 ng gabi ng magkasundo ang tumayong buyer at si Lunes hinggil sa bentahan ng shabu sa isang parking area na nasa panulukan ng Sulaiman Park, Roxas Boulevard, sa Manila.

Matapos umanong tanggapin ni Lunes ang boodle money na may kasamang marked money kapalit ng 2 kilo ng shabu ay dito na pinaikutan ng mga operatiba ng PDEA Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pangunguna ni Director Wilkins Villanueva ang hindi na nakapalag na suspek.

Kagyat ding sinampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), ng Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Lunes na pansamantalang nakapiit sa PDEA headquarters.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply