P10 minimum fare sa jeep muling iginiit ng transport groups

MULING iginiit ngayon ng mga grupo ng mga tsuper at operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon upang itaas sa P10 ang minimum na pamasahe sa jeep.

Nagkaisa sina Pasang Masda President Obet Martin at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) President Efren de Luna na hilingin ang dagdag na P2 kasalukuyang P8 minimum fare at 35 sentimos sa bawat susunod na kilometro.

Kung pagbibigyan ang kanilang petisyon, magiging P10 na ang pamasahe sa unang apat na kilometrong biyahe sa jeep.

Hiniling din ng grupo na muling ipatupad ang 50 cents provisional increase habang dinidinig ang fare hike.

Nagbanta pa ang dalawang grupo na kung hindi pagbibigyan ng LTFRB ang 50 cents provisional increase ay magsasagawa sila ng kilos-protesta.

Anila, nahihirapan na ang mga tsuper sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at sa iba pang gastusin sa pamamasada.

Magugunitang, hiniling na rin dati ng ilang transport group ang P10 minimum fare sa jeep matapos ang sunud-sunod na oil price hike.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply