P100-M jackpot ng 6/55 Grand Lotto hindi napanaluhan

HINDI naibulsa ang jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) 6/55 Grand Lotto na umaabot na sa mahigit P100 milyon.

Walang nakatumbok sa lumabas na kombinasyon na 43-18-20-24-44-34 na binola kagabi (Agosto 13) at may kabuuang premyong umaabot sa P100,548,736.20.

Dahil dito, inaasahang tataas pa ang jackpot prize ng Grand Lotto na posibleng pumalo sa P110 milyon.

Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi sa main office ng PCSO sa Pasay City.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply