P12-M jackpot ng Lotto 6/42 kinubra na

MAHIGIT P12 milyong piso ang naiuwi ng isang real estate agent makaraang solo nitong mapanalunan sa Lotto 6/42 na binola noong Agosto 21 matapos kubrahin ang tseke sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City kaninang umaga.

Personal na iniabot ni PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II ang tseke na may kabuuang halagang P12,622,581.00 sa 42 anyos na lalaking taga-Cavite na mag-isang nakakuha sa kombinasyong 23-17-18-33-35-04  na kinuha niya mula sa petsa ng kapanganakan ng kanyang tatlong anak at ibang miyembro ng pamilya..

Tiniyak naman ng mapalad na lotto bettor na bukod sa pagtatayo ng negosyo, magbibigay siya ng bahagi ng napanalunan sa simbahan bilang isang debotong Katoliko at ipagpapatuloy ang nasimulang pagkakaloob ng tulong sa mga bulag na noon pa may ay kanya ng sinusuportahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply