P120-M proyekto, naipagawa sa Calapan

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro, Agosto 28 (PIA) — Nakapagpagawa ang pamahalaang lungsod ng Calapan ng P120 milyon halaga ng proyektong ang-imprastruktura sa nakalipas na dalawang taon.

Mula 2010 hanggang sa kasalukuyan, nakapagpagawa ng mga multi-purpose buildings, silid-aralan, evacuation centers, mga daan, tulay ng Silonay, drainage sa Ibaba West, categorized landfill sa Batino, rehabilitation of day care centers, landscaping ng city hall, City College Annex Building, f HRM Building ng City College of Calapan at marami pang iba.

“Sadyang para sa mga kababayan ko sa lungsod ng Calapan ang mga pagawaing bayan na ipinatapos natin simula pa noong mahalal po ang inyong lingkod bilang punong lungsod. Nararapat lamang na ibalik ang pera ng mga mamamayang nagbabayad ng buwis sa lungsod sa pamamagitan ng mga ganitong klase ng proyekto,” sabi ni Mayor Joy Leachon sa isang panayam.

Dagdag pa niya, “Dito rin napupunta ang bahagi ng mga nalikom na pera ng pamahalaan mula sa pagtataas ng Real Property Tax (RPT) sa lungsod.”

Bukod dito, pinagkakagastusan din ng pamahalaan ang mga social services tulad ng Orange Health Card, City Scholarship Program, tulong sa mga senior citizen at may kapansanan, mga may sakit at maging ang mga namatayan.

Bahagi ng “mapagkalingang pamamahala” at “maligayang pamumuhay” na aspeto ng “Ang Bagong Calapan” program ay ang masiguro na matiwasay at komportable ang pamumuhay ng mga mamamayan ng lungsod.

Ipinaliwanang ni Leachon na upang makamit ito, marapat lamang na gastusin ng gobyerno ang pondo nito sa mga programa at proyekto na magsusulong ng kagalingang panlipunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply