P145-M 6/55 Grand Lotto jackpot mailap sa bettors

MAILAP pa sa mga masusugid na mananaya ang mahigit P145 milyong premyo ng 6/55 Grand Lotto makaraang wala isa mang nakahagip sa tamang kombinasyong binola kagabi sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Dahil dito, inaasahan na lolobo na sa P154 milyon ang premyo sa Grand Lotto na nakatakdang bolahin bukas ng gabi matapos walang nakahagip sa lumabas na kombinasyong 39-31-46-53-37-27 na may katumbas sana na kabuuang premyong P145,875.769.20.

Wala ring isa man ang nakasapol sa kombinasyong 16-23-04-02-35-11 ng 6/42 lotto na binola rin kagabi na may katumbas na
premyong P3,082.773.60.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, inaasahan na nila ang mahabang pila ng mga mananaya sa mga lotto outlet sa pagbabakasakaling  tamaan ang lalabas na kombinasyon ng 6/55 Grand lotto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply