P1 badyet/araw para sa serbisyong medikal, kinondena

KINONDENA ng Gabriela Women’s Party ang umano’y mapanlinlang na empowering budget ng gobyernong Aquino para sa serbisyong medikal sa mahihirap.

Ayon sa Gabriela, ang P12.6 bilyong badyet para sa higit limang bilyong mahihirap na pamilyang may anim na kasapi ay nangangahulugan lamang ng piso bawat isa kada araw.

Malayong-malayo ito sa sinasabi ng gobyerno na empowering badyet, ayon kay Gabriela congresswoman Emmi de Jesus.

Panawagan ni De Jesus, huwag sanang magbanggit ng sari-saring numero ang gobyerno dahil ang tunay na hanap ng mahihirap na mamamayan ay sapat at de kalidad na serbisyong medikal.

Iniinsulto lamang daw ang mahihirap kung wala namang nararamdamang tunay na serbisyo para sa kanila, dagdag pa ng Gabriela.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply