P2.5-M shabu nasabat, 4 arestado

AABOT sa P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba sa isinagawang buy bust operation na ikinaaresto naman ng apat na kalalakihan sa Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ng Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force ((PNP-AIDSOTF), nakilala ang mga suspek na sina Mervin Oblepias, Christian Tan, Nelson Salumides at Novelo Anastacio pawang taga- Lucena probinsya ng Quezon.

Sa pangunguna ni Insp. Roque Merdegia Jr. , ang apat ay inaresto habang aktong nagbebenta ng shabu s sa isang nagpanggap na undercover buyer ng grupo.

Ayon pa kay Merdegia, isinailalim sa dalawang linggong surveillance ang mga suspek bago isinagawa ang buy bust operation.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply