P225-M pondo ng DepEd kulang

HUMIHINGI ng karagdagang ayuda ang Department of Education (DepEd) upang mapunan ang pondo para sa pag-aayos ng mga nasirang paaralan.

Ayon kay Annabellle Pangan, officer-in-charge ng Physical Facilities and Schools Engineering Division ng DepEd, hindi umano sasapat ang natitira nilang P255-milyon quick response fund para sa isasagawang pagsasaayos sa daan-daang pampublikong eskwelahan na lubhang naapektuhan ng pagbaha sa nakalipas na pananalasa ng Habagat.

Sinabi ni Pangan na kakausapin nila ang Department of Budget and Management (DBM) ukol sa bagay na ito upang matugunan ang pangangailangan sa mga sirang eskwelahan.

Batay sa datos ng DepEd Engineering Office, 7,230 public schools sa buong bansa ang napinsala dahil sa pagbaha, landslide at pagputok ng bulkan sa nakalipas na tatlong taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply