P3-M halaga ng pananim sinalanta sa La Union

LA UNION – Sa kasalukuyan umaabot na sa kulang-kulang na P3 milyon ang halaga ng pananim ang sinalanta ng patuloy na pag-ulan sa nasabing lalawigan.

Ayon kay Provincial Agriculturist Imelda Sannadan, dahil sa patuloy na bugso ng ulan ay may mga pananim na binaha at natabunan ng lupa karamihan nito ay mga pananim na palay at gulay.

Kabilang ang mga naapektuhan ang pananim ay ang lugar ng Luna, Bacnotan, San Gabriel, San Juan, Bangar, Sudipin, Naguilan, Caba, Bagulin at Pugo, lahat nasasakupan ng La Union.

Sa ngayon, nagsasagawa na ng agricultural assistance ang lokal na pamahalaan upang tulungan ang mga magsasaka na naapektuhan sa nasabing kalamidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply