P3 milyon naabo sa Las Piñas

TINATAYANG P3 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo makaraang masunog ang isang bahay sa Cuenca compound sa Corinto Street, Sentrasa Village sa Pamplona, Las Piñas City.

Nabatid na nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-11:50 kagabi at umabot sa ikalawang alarma. Dakong alas-12:45 ng madaling araw nang ideklara itong fire out.

Base sa pahayag ng may-ari ng bahay na si Ginoong Bart Cuenca, maswerteng walang tao sa natupok na bahay dahil sa katapat na bahay natutulog ang kanyang pamilya.

May bumagsak umanong kuwitis sa likod ng bahay habang tinitingnan din ng Bureau of Fire Protection (BFP) na posibleng sa kable ng kuryente nagsimula ang apoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply