P34-M jackpot ng 6/42 Lotto kinubra na

KINUBRA na ng isang mapalad na 38-anyos na obrero ang mahigit P34-milyon jackpot prize ng 6/42 Lotto na binola sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Personal na iniabot ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang tsekeng nagkakahalaga ng P34,087,183.20 sa mapalad na lotto bettor mula sa Valenzuela City na solong nakakuha sa kombinasyong 03-31-34-10-05-02 ng 6/42 lotto na binola noong Hulyo 28.

Ayon sa panibagong instant milyonaryo, kinuha niya ang mga tinamaang kombinasyon sa birthday at edad ng dalawa niyang anak na kanyang inalagaan sa loob ng limang taong pagtaya ng halagang P20.

Nabatid na plano ng masuwerteng mananaya na bumili ng bahay at lupa at maglaan para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.
Pinayuhan naman siya ni Rojas na humingi ng payo sa bangko na paglalagakan niya ng salapi upang mapangalagaan ng maayos ang kanyang kayamanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply