P375M dagdag-badyet ng SC, tinabla ng Senado

TINABLA ng Senado ang paghingi ng Supreme Court (SC) ng karagdagang P375 milyon bilang pambili ng furniture para sa Manila City Hall of Justice at paglalagay ng kable sa IT system.

Nabuking kasi ni Senador Franklin Drilon, chairman ng senate committee on finance, hindi naman pala sa 2013 gagamitin ang hinihinging P 298.52 milyon kundi tatlong taon pa mula ngayon o sa 2015.

“Ni-reject ko,”sambit ni Drilon nang matanong kung inaprobahan niya ang budget proposal ng SC para sa furniture.

Bukod sa hinihinging pambili ng furniture, tinanggihan din ng senador ang hinihinging P 75.99 milyon bilang panggastos umano ng SC sa ilalatag na cabling ng IT system sa taong 2004.

Hinala ng senador, ang kabuuang P 374.5 milyong hinihingi ng SC para furniture at cabling ng IT system ay gagawin lamang ‘savings’ ng High Court sa 2013 upang magamit nila itong pambayad sa bonus at iba pang benepisyo ng mga nagtatrabaho sa Judiciary.

Nagagawa umano ng SC ang pagbalasal ng budget sa Judiciary dulot nang tinatamasang ‘fiscal autonomy’.

Nauna rito, kinuwestiyon din ni Drilon ang mabagal na pagkalap ng bagong huwes ng Judicial and Bar Council (JBC) sa mga nilikhang regional at municipal trial court upang lamang makalikha ng malaking savings sa kanilang pondo upang magamit na pambayad sa bonus at iba pang benepisyo.

Nabatid pa ni Drilon na hindi naman pala ang JBC ang totoong nasusunod sa pagkuha ng mga bagong judge, kundi ang Chief Justice ng SC ang nasusunod dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply