P44.26B CCT program ng DSWD, bubusisiin

BUBUSISIIN ngayon ng senado ang P44.26 bilyong conditional cash transfer program ng pamahalaan na mas  kilalang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ayon kay Senador Franklin Drilon, chairman ng senate committee on finance, rerepasuhin niya ng husto ang panukalang P2.006 trillion national budget para sa 2013 dahil sa ang Department of Social Welfare and Development ang may pinaglaanan ng isa sa malaking pondo.

“The allocation for CCT program is 78.8 percent of the total proposed budget of the DSWD amounting P56.2 billion,” giit ni Drilon.

Kaya’t inaasahan na magigisa ng husto ang DSWD kaugnay sa pagpapatupad ng CCT na kung saan ay nadagdagan ang alokasyon nito ng 12.2 porsiyento mula sa taong kasalukuyan na P39.45 bilyon na sinasabing 700,000 pang pamilya ang mabibiyayaan sa susunod na taon.

”We must emphasize that this program is not strictly a poverty alleviation program but bridge towards alleviating poverty by investing to education and health of the children,” diin ni Drilon.

Sa kasalukuyan, ani Drilon, umaabot na sa 3,1 milyong ang nabenepisyuhan ng 4Ps na kung saan ay binibigyan ang bawat pamilya ng  ng pera upang magamit para sa kanilang kalusugan, nutrisyon at pag-aaral.

Nabatid pa na P1,400 kada buwan ang natatanggap ng mga napili ng  National Household Targeting System for Poverty Reduction sa kondisyon na tuluy-tuloy ang pag-aaral ng mga anak nito at nababakunahan gayundin ang mga buntis na ina para sa kanilang pre-natal at iba pang ipa check-up.

Gayundin, sa naturang pondo ng DSWD, dapat ipatupad din ng ahensiya ang social protection programs bukod pa CCT tulad ng pensin program para sa senior citizens na kung saan ay may pondong P1.53 bilyon at feeding program para naman sa daycare na may ponding P2.96 bilyon na siyang nakapaloob sa 2013 budget.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply