P5-B hirit ng DPWH para sa flood control

KARAGDAGANG P5 bilyon ang ipinangako ng Department of Budget and Management (DBM) na ibibigay sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsasaayos ng mga nawasak na kalsada at tulay sa mga nagdaang bagyo at habagat.

Bumigay ang DBM matapos kwestyunin ni Occidental Mindoro Rep. Amelita Villarosa sa ginanap na budget hearing sa Kamara kung bakit walang nakalaang budget para sa flood control ang nasabing ahensya.

Pagbubunyag ni Public Works Secretary Rogelio Singson  na walang inilaan na pondo ang DBM para sa flood control ngayong 2012.

Subalit ito ay nagawan na aniya ng paraan ng DPWH matapos kumuha ng P3 bilyon na pondo mula sa ahensya.

Ang P5 bilyon na ibibigay ng DBM ay magmumula sa savings para sa infrastructure at road repairs.

Kasabay nito ay tiniyak ng kalihim na nakumpleto na ng DPWH ang masterplan ng flood control projects sa Metro Manila, Laguna, Rizal at sa lahat ng mga lugar malapit sa Laguna Lake.

Sa kasalukuyan, ayon kay Singson ang binubuo pa ay ang master plan sa Pampanga river basin na sakop ang Pangasinan, Pampanga, Bulacan at Tarlac.

Sa nabanggit din na budget hearing ay inihayag ni Singson na sasailalim sa isang special program ang lahat ng engineers ng DPWH kasunod ng mababang porciento ng mga nakapapasa sa kanilang pagsusulit para makapasok sa ahensya o kaya ay ma-promote sa posisyon.

Si Villarosa rin ang nagsabing nakababahala ang napakaliit na bilang ng engineers na pumapasa sa eksaminasyon gahil ang mga ito ang nangangasiwa sa mga mabibigat at malalaking proyekto.

Banggit pa ni Singson na sa kabuuang 200 items, kinakailangan lamang mapasa at masagutan ng tama ang 50% o 100 items sa pagsusulit sa loob ng tatlong oras.

Nagbigay na rin aniya sila ng remedial kung saan sa tatlong uri ng exam na technical, analytical at management, tanging sa technical at analytical lamang pinagpo-focus na ngayon ang mga examinee at maaari namang bigyan ng management training ang mga engineers.

Hindi ang DPWH ang nangangasiwa sa pagsusulit ng engineers kundi ang  Civil Service Commission.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply