P50 bilyong investment ng SSS ipinasisiyasat

PINAIIMBESTIGAHAN ng isang kongresista ang P50 bilyong investment ng Social Security System (SSS) para sa public-private partnership (PPP).

Naghain si Anakpawis Rep. Rafael Mariano ng House Resolution No. 2499 upang hikayatin ang House Committee on Good Government and Public Accountability na imbestigahan ang nasabing plano ng SSS.

Ipatatawag sa pagsisiyasat ang SSS President at Chief Executive Officer na si Emilio de Quiroz at iba pang opisyal para magpaliwanag sa nasabing isyu.

Ani Mariano, handa ang SSS na mamuhunan sa infrastructure projects ng PPP kung saan nakikita ito ng ahensya na isang long-term investments.

Bukod dito, target din ng SSS na magbuhos ng pondo sa local market partikular sa power companies dahil sa umano’y magandang kita na magmumula rito.

Napag-alaman pa ni Mariano na magtataas ng contribution rate sa mga myembro ng SSS na hinihinalang panggagalingan ng perang gagamitin sa pag-i-invest sa PPP projects.

Mula aniya sa kasalukuyang 10.4% na kontribusyon ng mga SSS members ay gagawin na itong 11% na inaasahang ipapatupad ngayong taon.

Dagdag pa niya dito ay itataas din ang halaga ng monthly salary credit (MSC) mula sa P15,000 hanggang P20,000 na pinagbabatayan ng contribution payments.

Nagbabala rin si Mariano na kailangang maghinay-hinay ang SSS sa mga ipinapataw nitong dagdag sa mga myembro nito para matiyak ang magandang balik ng investments para sa patuloy na pagbibigay serbisyo at benepisyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply