P500-M multa ng Philex mining

MAY P300 milyon hanggang P500 milyon ang posibleng multa ng Philex Mining Corporration dahil sa mga paglabag sa mga patakaran ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Gayunman, sinabi ni MGB-CAR officer-in-charge Fe Abil, na wala pa silang natatanggap na notice mula sa DENR-Central Office, ngunit possible umanong sa mga susunod na araw ay matatanggap na nila ang pinal na desisyon ng DENR.

Agad umano nila itong ibibigay sa Philex Mining Corporation upang maipatupad na.

Matatandaang bumigay ang isang tailings dam ng PMC dahil sa pananalasa ng bagyong Gener at Helen sa Cordillera.

Naalarma naman ang mga taonga naninirahan malapit sa nasabing dam dahil alam nilang nakalalason ang nasabing mga tailings.

Pansamantala namang ipinasara ng DENR ang nasabing kompanya habang inaayos pa ang nasirang dam ng mga tailings.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply