P5B kaltas sa badyet ng Comelec, ibinalik

ABOT na P13.4 bilyon ang pondo ng Commission on Elections (Comelec) matapos ibalik ng Department of Budget and Management (DBM) ang P5 bilyong kinaltas nito sa badyet ng Commission on Elections para sa 2013.

Ikinatuwa naman ni Comelec Chirman Sixto Brillantes ang pagbalik sa kinaltas na pondo.

Una rito, nagbanta si Brillantes na magreresign sa pwesto kapag hindi ibinalik ng DBM ang kinaltas na P5 bilyon dahil mahihirapan umanong ang ahensya na ipatupad ang mga programa para sa halalan sa 2013.

Nagbabala rin si Brillantes na posibleng bumalik sa manu-mano ang eleksiyon sa susunod na taon.

Ikinatuwa rin ng election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang naturang ulat dahil makatutulong umano ang naturang pondo para magtutuluy-tuloy na ang electoral reforms na ipinatutupad ng poll body.

Ayon kay PPCRV chairperson Henrietta ‘ Tita’ De Villa, hindi maaring tipirin ang pondo para sa electoral reforms dahil kailangang tuluy-tuloy ang pagpapatupad nito.

Gayunman para maiwasan, aniya, ang mga pagdududa nakiusap si De Villa sa Comelec na maging “transparent” kung paano nila ginagastos ang naturang pondo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply