P5M pinsala ng Habagat sa Luneta

TINATAYANG aabot sa halagang P5 milyon ang kabuuang pinsala sa Luneta o Rizal Park sa Maynila ng hagupit ng Hanging Habagat nitong nakalipas na tatlong araw.

Ayon kay National Parks Committee Executive Director Juliet Villegas, mula sa 52 hectares na lupain ng Luneta ay naapektuhan dito ang 5 hektarya na aabot nasabing halaga ang pinsala nito.

Sinabi ni Villegas na aabutin ng isang buwan ang pagsasayos ng Rizal Park bago ito maibalik sa dating kagandahan.

Dagdag pa ni Villegas, isang linggo naman ang gugugulin nila sa paglilinis sa tambak na basura at makapal na putik na tumambad sa Luneta.

Nabatid na ngayong araw din nagsimula ang paglilinis sa Luneta dahil gumanda na ang panahon at humupa na ang tubig baha.

Magugunitang, umabot ng hanggang dibdib ang baha sa nasabing parke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply