P6.6-M backhoe sinunog ng mga NPA

LUGI ng P6.6 milyon ang grupo ng mga rebelde matapos sunugin ang anim na backhoe sa Kinoguitan, Misamis Oriental nitong nakaraang linggo.

Ayon kay S/Insp Julito, hepe ng Kinoguitan Police Station, nakikipag-coordinate na sila sa kompanyang nagmamay-ari sa nasabing mga backhoe upang maisampa ang kasong arson laban sa mga responsableng miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Sa inisyal na imbestigasyon, si Jorge Madlos, alyas ka Oris ng CPP-NPA-NDF North Central Mindanao ang nagmando sa pagsunog sa nasabing equipment nang hindi magbigay ng buwis ang Del Monte Philippines.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply