P60-B target sa Sin Tax bill malabo – Recto

POSIBLENG lumusot ang sin tax bill sa Senado ngunit hindi ang idinidiktang P60 bilyon buwis na kukunin sa panibagong batas na magpapataw ng mas malaking halaga sa alak at sigarilyo.

Ayon kay Sen. Ralph Recto, hindi makatotohanan ang target ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na makakolekta ng P60 bilyon bukod sa sinisingil na P75 bilyon ng pamahalaan sa buong industriya ng sigarilyo at alak sa ngayon.

“Walang katiyakan na makukuha talaga nila ang P60 bilyon saka hindi nila masabi kung anong sistema  na makatitiyak na makukuha ang koleksiyon. Eh, kung mabawasan ang umiinom at naninigarilyo dahil sa taas ng presyo, eh di masisira ang sistema sa pagbubuwis,” ayon kay Recto.

Sinabi pa ni Recto na hindi rin makatotohanan ang katwiran ng pamahalaan na itataas ang halaga ng alak at sigarilyo upang mabawasan ang naninigarilyo at umiinom ng alak.

Sa kasalukuyan, kumikita ang pamahalaan ng nasa P75 billion mula sa pagbubuwis sa alak at sigarilyo.

Sinabi pa ni Recto na isang pagdinig na lamang ang nalalabi upang tuluyang maisara ang deliberasyon sa Sin TYax bill sa komite na katunayan umaabot na sa 70 porsiyento ng kabuuang sipi ng panukala ang maaari nang gawing draft sa committee report.

Sa pagdinig muling iginiit ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpataw ng advalorem tax sa mga produkto ng segarilyo at alak, pero tinututulan ito lalo na ng Bureau of Internal Revinue (BIR) na ayon kay BIR commissioner Kim Henares mahirap ipatupad kaya’t nais nila ang specific tax.

Ang advalorem tax ay binabatay sa halaga ng produkto na kadalasan nakatuon sa retail price, habang ang specific tax ay madalas kinukula sa presyo nito mula sa factory.

Habang nagpapatuloy ang pagdinig sa Senado ng Sin Tax Bill, sumugod naman sa labas ng gate ng kapulungan ang mga magsasaka na tobacco na mariing tumututol sa panukalang batas na isinusulong ng Malacañang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply