P664M remittance ng Pag-IBIG, Philhealth, GSIS at Philpost

MISYON AKSYON, sana mailabas sa inyong malawak na kolum na Misyon Aksyon Remate ang kasalukuyang problema namin sa PhilPost. Kasi matagal na pong hindi nagre-remit sa GSIS, Phil-health at PAGIBIG ang PhilPost mula pa po nang umupo si Post-master General Hector R. Villanueva hanggang sa kasalukuyan po naming PMG na si Josie M. Dela Cruz.

Katunayan po, anim na daan at animnapu’t apat na milyong pisong (P664,000,000.00) ang nananatiling unremitted na employer-employee premium para sa payment contributions ng Government Service Insurance System (GSIS) employer-employee shares sa PAGIBIG Fund, Philippine Health Insurance Corporation at iba pang stakeholder.

Napag-alaman po namin na  pinagkaloob si PMG Dela Cruz ng pondo para mabayaran ang nabanggit na obligasyon ng Phil-Post sa GSIS.

Awtomatiko pong iniaawas sa buwanang suweldo ng mga kawani ang mga ito, subalit laking pagtataka naming hindi ibinayad nang kung ilang taon na at  sa kasalukuyan.

Misyon aksyon, ang katotohanan po niyan, kung talagang magbibigay ng sinseridad ang kasalukuyang nakaupo ay hindi po malulugi ang ahensiya ng Postal.

Kasi napakalalaki po ng mga pondo na inilaan diyan kagaya  po ng modernization project na may badyet na P5.7B sa ROA Limited Japan, isang Japanese contractor.

Napakalaking palaisipan ang hindi pagmamalasakit ni PMG Josie M. Dela Cruz para singilin o kolektahin ang performance bond na nagkakahalaga ng mahigit na tatlong daang milyon at tatlong daang libong piso (P300,300,000) mula sa Mercantile Insurance Company.

Ang insurance proceeds sa performance bond ay callable on demand for failure of ROA to perform the terms and conditions of the contract.

Malinaw na anomang oras, maaaring kolektahin sa isang insurance company ang nasabing insurance proceeds dahil sa pagkabigo ng kontraktor na maihatid at makumpleto ang ipinangako at pinagkasunduang modernisasyong programa na nakapaloob sa kontrata ng ROA sa PhilPost.

Ang isa pong napakasakit  na pangyayari, Misyon Aksyon, para sa aming mga kawani, ang liham nila ay detalyadong isinalaysay ang pagkunsinti ni Dela Cruz sa mga ginawang anomalya ni Lalanto at mga kapwa opisyal niya.

Hindi man lamang pinangaralan o pinagsabihan ni Dela Cruz sina Lalanto at ang kanyang mga kasamahan sa PFO bagkus binigyang-promosyon pa ni Dela Cruz si Lalanto sa pamamagitan ng pagtatalaga rito bilang Officer-In-Charge (OIC) ng PhilPost Corporate Planning Service.

Karagdagan ito sa kanyang marami nang mga hinahawakang posisyon sa korporasyon tulad ng pagiging APMG, Chairman ng Change Management Team (ang tagapagpatupad ng “RatPlan”), Chairman ng PhilPost Bids and Awards Committee (BAC) at ma-rami pang iba.

Nakarating na rin sa kabatiran nina Senador Enrile at Guingona ang nilalaman ng sulat nina Rama at Paglicawan kay Dela Cruz na nagbubulgar na maraming em-pleyado at opisyal sa PhilPost ang nagsumite ng mga pekeng school record at mga bogus na credential nang mag-apply ng trabaho sa post office at hanggang sa kasalukuyan ay nananatili sa kani-kanilang matataas na posisyon sa korporasyong-postal.

Kagaya po ng kaso ni Oscar V. Lazo na sa sulat na ipinadala na may petsang 21 November 2011 ay may kumpletong mga  dokumento at naglalaman ng ebedensiya para ipaabot kay PMG  Dela Cruz ang pagsusumite ng mga huwad at pagpeke umano  ng public records niya ni Oscar V. Lazo, Jr.

Nabigyan pa si Lazo ng tatlong matataas na magkakaibang posisyon na kumplikado sa kasalukuyan niyang kapasidad bilang Postmaster for Human Resource Development and Training, Director of the PhilPost Inspection Ser-vice at Director of Central Mail Ex-change Center.

Kaya po, umaasa kami sa  agarang aksyon  sa tulong  po  ng  Media at kagaya ninyong kolumnista at magigising sila at nawa’y  tularan po nila na ehemplo ang pagkatao ni Sec. Jesse Rebredo. Para naman po ang tuwid na daan  ni Pangulong Noynoy ay magtagumpay.

Gumagalang,
Corncerned Employee

Paging  Pres. Benigno  Aquino III. Sir, pakiimbestigahan naman po ang anomalyang nangyayari sa isa mong ahensiya na “PHIL-POST” na imbes na maresolba at mapaangat ang uri ng sulat “Koreo” sa bansa na siya naman dating inaasahan natin ng matagal na panahon ay mawawala itong parang bula sa dahilang nalulugi na ito.

Samantalang kung iyong pag-aaralan labis po ang mga  pondo na  ibinigay ng ating gobyerno pero  nagagastos ito  sa  walang  basehan at  kung   pag aaralan ito  mas mabilis ang kanilang sistima. sa dahilan dito na sila  tumagal at nahasa ang kanilang prospesyon.di gaya  ng ibang negosyo na katulad ng philpost ay kasalukuyan pa nilang itong  pinag-aaralan . maraming bansa  na po  ang matagumpay sa  ganitong  kalakakalan . dito lamang sa bansa natin  ang  nalulugi.  Kaya  nakatawa  po  pag  nakakakita  ka ng  ganitong palpak na pamamalakad. Kay  Senate  President  Juan  Ponce Enrile  Sir. Pakibusissi naman po ang nasabing ahensiya. kina Vice  President Jejomar Binay  Pag-ibig  Chairman ,at   GSIS President. Robert G. Vergara, GISIS  Chairman  Daniel “Bitay” Lacson. Phil health Chairman Dr. Eduardo P. Banzon.Sana  po kayo ang unang nag mamalasakit sa inyong miyembro na nagiging biktima ng mga maling patakaraan  ng mga   kapwa  ninyo maytungkuling sa  gobyerno  na  hindi naman  po kasalanan ng mga  miyembro ang  hindi pag  reremit ng kanilang  buwanan obligasyon pero sila ang unang  tinatamaan sa dahilan nawawala ang kanilang  mga benipsyo na dapat sana  ay  tinatamasa ng  bawat  kawani ng  gobyerno.

Kaya  umasa po kami  ng  inyong agarang aksyon.   kay Ginoong   Oscar Lazo at  PGM Josie M. Delacruz Madam. Totoo  po ba? ang reklamo sa  inyong lingkod.

Bukas po ang aking kolum  para  sa inyong panig  at kapaliwagan.

Sa  susunod  tatalakayin  po natin ang  iba  pang katiwalian at problema  sa postal  Office. NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.

Cellphone Numbers: GLOBE-09058240234  SMART-09193628223 EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil@gmail.com at http://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahil para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply