P69 million pinsala ng bagyo sa Camiguin

TINATAYANG umabot sa P69-milyon ang kabuuang pinsala sa imprastraktura dahil sa naranasang pagbaha sa lalawigan ng Camiguin.

Batay sa ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC-10), maraming mga estruktura ang winasak sa lungsod ng Sagay mula sa transportation facilities at water system, mga tulay at spillway.

Ilan din sa mga nawasak ay ang mga dike, culverts, seawalls, mga kalsada at foot bridge.

Umaabot sa mahigit sa P2 million naman ang naging danyos sa pipelines
na mga nasira dahil din sa pagbaha.

Sa ngayon ay hindi pa bumabalik ang suplay ng tubig sa nasabing lungsod habang patuloy ang rehabilitasyon at pagtulong sa mga apektadong pamilya sa buong lalawigan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply