Pacman-Floyd bout lalangawin

IBA na ang ipinakikitang laro ni dating pound for pound King Manny Pacman Pacquiao kumpara noong kanyang kasikatan kaya sinabi ng fans na kahit matuloy ang laban nila ni undefeated US boxer Floyd Mayweather Jr., ay hindi na nila ito panoorin.

Ito rin ang sinabi ng fans, dahil hindi na umano kaiga-igayang panoorin ang boring na laban ni Pacman at hindi na nito kayang magpabagsak ng kalaban sa kabila na mga pipitsugin na lang ang kanyang huling nakakalaban gaya ni Timothy Bradley na tumalo pa sa kanya.

“Kung napabagsak lang ni Pacman si Bradley, malamang na ‘di magdadalawang isip ang mga hurado na ibigay sa kanyang ang panalo, subalit talagang napakapangit ng kanyang laban at naubusan na ito ng “knockout power,” wika ng fans

Hinanakit pa ng mga fan, na napakamahal umano ng ticket para sa laban ni Pacman subalit wala palang kwenta ang kanilang makikitang laban ni Pacquiao.

“Ang hinahanap namin ay iyong ginawa niyang pagpapasuko sa laban kagaya ng kay Oscar Dela Hoya o ang ginawa niyang pagpapatulog kay Ricky Hatton. Nawala na iyon, mukhang tapos na ang career ni Pacman,’ ani ng fans.

Sayang lang umano ang ginagawa nilang pagbili sa pay-per-view dahil nakadidismaya ang performance ni Pacman.

Kanina ay isiniwalat ni Top Rank Promoter Bob Arum na umuusad na ang usapan para matuloy na ang pinanabikang salpukan sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather Jr.

Kung matutuloy umano ang laban ay maaari itong gawin sa Abril.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang lumaya sa kulungan si Mayweather.

Huling lumaban si Mayweather noong May 5, kung saan naagaw nito ang super welterweight titile ni Puerto Rican boxer Miguel Cotto.

Hawak ni Floyd Jr. ang professional record na 43-0.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply