Pacquiao nagbigay ng tulong sa Task Force Obrero- KMU

NAGPASALAMAT ang Kilusang Mayo Uno o KMU kay Saranggani congressman at boxing champ Manny Pacquaio sa tulong nito para sa mga biktima ng baha.

Nagbigay ng bigas, de lata, noodles at pera ang kongresista para sa relief operations ng Task Force Obrero sa mga lungsod ng Quezon, Marikina , Maynila at Olongapo.

Ayon kay KMU chairperson Elmer Labog, kahanga-hanga ang ginawa ni Pacquiao dahil hindi nito inanunsyo ang kanyang donasyon.

Basta dumating na lamang daw ang mga kinatawan ni Pacquaio sa tanggapan ng KMU upang ibigay ang mga donasyon.

Tuloy-tuloy na nagsasagawa ang Task Force Obrero, kung saan kabilang ang KMU, ng mga relief operation sa mga lungsod na nabanggit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply