Pacquiao-Bradley rematch ikinakasa

IKINAKASA na at sinasabing malaki ang tiyansang matuloy ang rematch nina Timothy Bradley at Pinoy Boxing Champ Manny Pacquiao sa Nobyembre 10 sa Las Vegas, Nevada, USA.

Sa ulat sa radyo, ayon sa kampo ng Pambansang Kamao malabong matuloy ang laban nina Pacman at Juan Manuel Marquez na unang inaayos dahil hindi magkasundo sa presyuhan o porsiyentuhan kaya si Bradley ang lalaban ng Pinoy pride.

Sinabi pa sa ulat na masyadong malaki ang hinihinging porsiyento ni Marquez.

Ikinakasa naman ang laban nina Marquez at Ramon Peterson.

Sa kabilang dako, inaayos naman ang laban ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa isang Japanese boxer.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply