Pacquiao namahagi ng 20,000 Bible sa Camp Crame

NAMAHAGI ng libo-libong Bibliya si People’s Champ at Sarangani Rep. Manny Pacquioa sa anibersaryo ng Police Community Relations Group (PCRG) sa Camp Crame kaninang umaga.
Nagmistulang prayer meeting tuloy ang naturang okasyon habang inaabot ni pound for pound king ang aabot sa 20,000 Bibliya para sa mga pulis sa multi-purpose center ng Camp Crame dakong alas 9 ng umaga .

Sa kanyang inspirational message, ibinahagi ni Pacquiao ang buhay niya noong hindi pa siya nagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Aminado naman si Pacquiao na masaya na ang buhay niya dati ngunit sa kabila nito ay tila may kulang pa rin.

Ilang ulit na, aniya, niyang sinubukang magbago at tanging sa pagbabalik-loob lang sa Diyos niya nakamit ito.

Sinabi pa ni Pacquiao na kailangang-kailangan ngayon ng mga kapulisan ng karagdagang spiritual recovery dahil parami nang parami ang mga insidente na ang mga pulis mismo ang gumagawa ng krimen.

Hangad din ng mambabatas na magbigay inspirasyon sa kanyang mga kababayan dahil marami ang nangangailangan nito ngayon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply