Pag-ambush sa dalawang pulis, inako ng NPA

INAKO  ng Cesar Cayon Command ng New Peoples Army (NPA) Front Committee 4A na sila ang responsable sa pag-ambush sa dalawang miyembro ng Public Safety Company ng Butuan City Police Office.

Ayon sa tagapagsalita ng grupo na si Ka Omar Ibarra, kahit hindi pa na-impound ang mga illegal na mga kahoy sa Veneer Company ng barangay Amparo ay binantayan na nila ang mga pulis na dadaan galing sa barangay Bit-os patungong Amparo Butuan City para mangotong sa dadalhing mga kahoy kayat matagal na nila itong target.

Pero ang naturang alegasyon ng NPA ay mariing itinanggi ni OIC Butuan City Police Director Police Senior Supt. Nerio Bermudo.

Ayon naman kay Daisy Rose Dumaboc, asawa ng napatay na pulis, mga walang puso ang pumatay sa kanyang asawa na tanging layunin lamang sa lugar ay para bantayan ang mga kahoy na nakumpiska ng local na pamahalaan ng Butuan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply