Pag-apruba sa badyet ng PDEA ibinitin ng Senado

KUNG inaprubahan ng Senate committee on finance ang badyet nang walang pagbawas ang panukalang gastusin ng tatlong ahensiya kabilang ang pangunahing nangongolekta ng intelligence information, isinantabi naman ang pondo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil kulang-kulang ang datos na isinumite ng ahensiya.

“I am recommending for Senate floor deliberations the proposed budgets of National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC) and Philippine Dangerous Drug Board (PDDB),” ayon kay  Senator Franklin Drilon.

“But I defer the approval of PDEA’s budget for it appears to me that the PDEA is not on top of the situation. The matters we discussed in the budget hearing last year remain in the same situation as when we reviewed the budget one year afterward,” dagdag ni Drilon.

Noong nakaraang taon, ipinaalala ni Drilon sa PDEA na nakaaalarma ang kawalan ng pagpapahalaga ng ahensiya sa mga datos hinggil sa nakumpiskang illegal drugs at nagbanta pa ang senador na maaari itong ma-recycle sa lansangan upang muling maibenta.

Sa pagdinig nitong Lunes, kinuwestiyon ni Drilon si PDEA Director General Jose Gutierrez Jr., hinggil sa pagsira sa illegal na droga na nakukumpiska ng ahensiya alinsunod sa probisyon ng   Republic Act No. 9165, ngunit walang nakuhang sagot o tugon ang Senado.

Dahil dito, naniniwala si Drilon na hindi lubusang naipatutupad ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, dahil nananatiling hawak ng PDEA ang malaking bilang ng illegal na droga.

“The law says that a representative sample of seized illegal substance, will be secured, and the rest should be destroyed within 24 hours in the presence of the accused or counsel, the prosecutor, and the media,” paliwanag ni Drilon.

“I want explanation why nothing has been done since last year in order to destroy the almost 1,000 kilograms of illegal substance – as revealed during the hearing – which could find its way in the street again. I am totally disappointed,” giit pa ng senador.

Humihingi ang PDEA ng P800 milyon para sa 2013, P491 milyon namna sa National Intelligence and Coordinating Agency (NICA) at P113.43 milyon naman sa National Security Council (NSC) at makakakuha naman ng P178.4 milyon ang DDB.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply