Pag-atake ng BIFM, kinondena ng GRP-MILF peace panel

KINONDENA ng gobyerno ng Pilipinas (GRP) at M oro Islamic Liberation Front (MILF) peace panels ang pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters of the Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFF-BIFM) sa ilang bahagi ng Mindanao.

Ang pagkondena ay kaugnay sa ginawang pag-atake ni MILF break-away commander Ameril Umbra Kato sa ilang bayan sa Maguindanao na ikinaasawi ng 22 miyembro ng BIFF at lima sa militar.

Batay sa joint statement, inihayag ng GRP at MILF peace panel na kumbinsido silang target ng pag-atake na madiskaril ang usapang pangkapayapaan.

Ngunit hindi ito magtatagumpay dahil patuloy ang magkabilang partido sa pagsusulong ng peace talks.

Sa katatapos na pag-uusap, binuo ng magkabilang panig ang Technical Working Groups (TWGs) kaugnay sa ‘Power-Sharing’ at ‘Wealth-Sharing.’

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply