Pag-export ng asukal ng Pinas, naantala sa kakulangan ng suplay

INIHAYAG ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na maaantala ang pag-export ng asukal sa Estados Unidos dahil sa kakulangan ng suplay.

Nabatid na tuwing Setyembre nagpapalabas ng stock ng asukal ang Pilipinas sa Estados Unidos para maiwasan ang oversupply at mabalanse ang presyo ng singil sa nasabing produkto sa Amerika.

Sa Disyembre (2012) o Enero (2013) pa magpapalabas ng produktong asukal ang Pinas dahil na rin sa sunud-sunod na kalamidad.

Ayon kay Administrator ng Sugar Regulatory Administration, Maria Regina Bautista-Martin bahagya lamang ang magiging delay ng supply ng asukal pero mapupunan naman agad ang delivery nito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply