Pag-iisyu ng prangkisa ng LTFRB pinaiimbestigahan

DAHIL kapuna-punang walang habas na pamimigay ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga taksi, isang kongresista ang nagsulong na ito ay maimbestigahan.

Ipinakakasa ni Cagayan de Oro Rep. Benjo Benaldo ang isang pagsisiyasat ng Kamara dahil sa aniya’y kuwestitunableng gawain ng LTFRB lalo na sa Region 10.

Nakapaloob sa House Resolution No. 2490 ni Benaldo, ang kanyang pagbatikos sa aniya’y “indiscriminate issuance of franchise to taxis and other public transport vehicles” LTFRB sa kanyang rehiyon.

Sinabi ni Benaldo, na lantaran ang paglabag ng LTFRB sa Executive Order 202 na nag-uutos sa ahensya na pangasiwaan ang operasyon ng “public utility o for hire vehicles” gaya ng taksi at magbigay ng prangkisa o sertipiko kung ito ay makagiginhawa sa publiko.

Giit pa ng kongresista na ang indiscriminate at unwarranted issuance ng prangkisa sa pampublikong transportasyon ay maituturing na paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply