‘Pag may kinalaman sa pagkawala ng pera: Freddie Aguilar handang ipakulong ang anak

HINDI magdadalawang-isip ang folk singer na si Freddie Aguilar na ipakulong ang isa sa kanyang mga anak kung ito ang kumuha ng pera na nasa vault sa kanyang bahay sa Quezon City.

Ayon sa pamosong folk singer na lumikha at kumanta ng “Anak”, na dapat lang managot ang kanyang anak at apat na kasambahay lalo’t pinaghirapan niyang kitain ang $12,000 o mahigit sa kalahting milyong piso na mula sa pagkanta niya sa kanyang mga shows sa abroad.

Una ng naiulat na bukod sa number combinations ng vault ay mayroon pa itong susi na tanging ang mag-anak lang at staff lang ni Aguilar ang may access para mabuksan ang naturang vault

Nabatid na halos isang linggong nawala sa kanyang bahay ang singer dahil sa kanyang career commitments ngunit nang magbalik at buksan ang kanyang vault ay wala na roon ang naturang pera.

Maalalang, isinailalim na sa fingerprint ang mga anak ni Aguuilar at maging ang apat nitong kasambahay kaya anomang araw ngayong linggo ay malalaman na kung sino ang kumuha sa pinaghirapang pera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply