Pag-ulan asahan sa pagbabalik ni ‘Igme’- PAGASA

LALO pang bumilis ang bagyong Igme matapos muling pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Pinakahuling namataan ang sentro ng bagyong Igme sa layong 180 kilomentro ng Hilagang Kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyong Igme ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 150 kilometro bawat oras.

Ang bagyong Igme ay tinatayang kikilos pa Hilagang Silangan sa bilis na 17 kilometro kada oras.

Mamayang gabi, ang bagyong Igme ay tinatatayang nasa 400 kilometro hilaga ng Basco, Batanes.

Ang public storm signal number 2 ay nakataas sa Batanes Group of Islands at nasa public storm signal number 1 naman ang Calayan at Babuyan Group of Islands.

Pinag-iingat na ang publiko na naninirahan na lumikas sa lugar na landslide prone area, pinayuhan na rin ang mga mangingisda sa pati na ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang malayag sa karagatan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply