PAGASA: ‘Green warning’ sa MM; ‘gale warning’ sa Kanlurang Luzon

IBINABA na ng Pagasa sa “green warning” mula sa “red warning” nitong alas 5:30 ng madaling araw ang alerto para makapaghanda ang mga residente sa lakas na buhos ng ulan sa Metro Manila.

Ibinaba ng Pagasa ang warning dahil bahagyang humupa na ang epekto ng hanging habagat sa Luzon at Visayas. Gayunpaman, inaasahan pa rin ang mga pabugso-bugsong ulan.

“Moderate to heavy (7.5-12.0 mm/hr) rains is expected over Metro Manila and at times Heavy to Intense (10.0-20.0 mm/hr) rains within the next 2 hours,” ayon sa Pagasa.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng Pagasa ang mga residente na maging alerto pa rin laban sa posibleng pagtaas ng tubig baha.

Gale warning

KASABAY nito, naglabas din ang Pagasa ng gale warning o babala laban sa malalakas na hampas ng alon sa kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon sa Pagasa, makararanas ng malalakas na hampas ng alon ang Ilocos provinces, La Union at Pangasinan maging sa Zambales at Bataan.

Apektado rin ng malalakas na hampas ng alon ang Manila Bay, Cavite, Batangas, Mindoro provinces, Palawan maging sa bahagi ng Northern Luzon partikular sa Apayao at Cagayan.

Itinaas din ng Pagasa ang gale warning sa Isabela, Aurora, Quezon at Bicol Region.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply