PAGASA sa publiko: Magtipid sa paggamit ng tubig

NANAWAGAN sa publiko ang hepe ng meteorologist ng bansa na magtipid sa paggamit ng tubig dahil mananaig ang “below normal rainfall” sa halos parte ng bansa sa Setyembre sanhi ng El Niño weather event.

Sinabi kaninang umaga ni Nathaniel Servando, administrator of the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na mataas ang probalidad na ang El Niño phenomenon ay made-develop ngayong taon.

“Currently there is 60 to 70 percent probability,” pahayag ni Servando at idinagdag na ang napansin ng PAGASA climatologists ang inisyal na senyales ng El Niño sa nakalipas na tatlong buwan.

“The projected rainfall for the whole of Luzon, central Visayas as well as northern and central Mindanao for the month of September is ‘below normal,’” pahayag pa nito.

Sinabi ni Servando na ang dalawang mapaminsalang tropical cyclones, na sina “Ondoy” at “Pepeng” noong 2009 ay naganap sa panahon ng El Niño period.

Hindi naman nabanggit ni Servando kung ang mga papasok pa lamang na bagyo sa bansa ay singlakas o kasing kalibre ng mga nabanggit na bagyo sanhi ng epekto ng El Nino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply