Pagbabawal sa pagpo-proseso ng pasaporte, pinalagan ng mga travel agencies

NAGHIHIMUTOK ang samahan ng mga travel agencies sa Pilipinas dahil sa bagong kautusan ng Department of Foreign Affairs na ipinagbabawal na ang mga travel agencies na mag-proseso ng mga pasaporte ng mga aplikante .

Ayon sa chairman ng Travel Cooperative of the Philippines na si Robert Lim Joseph, na siya ring honorary consul ng Republic of Latvia, di makatarungan ang bagong kautusan ng DFA na pagbawi sa kontrata ng 551 travel agencies na makipag-transaksyon sa loob ng DFA para sa mga pasaporte ng kanilang mga kliyente.

Marami umanong mga tauhan at ahente ng mga travel agencies ang magugutom dahil umaasa lamang ang ito sa mga aplikante na nagpapatulong sa paglakad ng kanilng mga pasaporte.

Hindi rin umano pabor sa mga aplikanteng high profile katulad ng mga artista ,negosyante ,na hindi lamang abala sa hanapbuhay at magkakagulo lamang sa mga opisina ng DFA kapag nagsadya pa ang mga ito . Mahalaga umano ang mga oras ng mga personalidad tulad ni Henry Sy na may-ari ng SM, o di kaya’y si Kris Aquino na pipila para sa kanilng pasaporte, ayon kay Joseph.

Ayon naman kay undersecretary Rafael Seguis ng DFA , hindi nila layunin na agawan ng hanapbuhay ang mga travel agencies , kungdi bigyan lamang ng pantay -pantay na pagkakataon ang lahat ng mga aplikante ng pasaporte.

Naniningil umano ng sobra ang mga travel agencies sa paglalakad ng pasaporte ng kanilang mga aplikante. Umaabot sa halagang P1,500 hanggang 7,000 ang singil ng mga travel agencies sa paglalakad sa pasaporte ng kanilang mga kliyente samantalang ang singil lamang sa DFA ng mga pasaporte ay P1,200 lamang.

Ayon naman kay Joseph, kikita lamang ang mga pribadong may-ari ng mall dahil sa mga sattelite passport centers ng DFA na babayaran ng pamahalaan. Matagal na umanong sistema sa mga travel agencies at DFA ang paglalakad ng pasaporte simula pa ng itatag ang mga ito kayat nagtataka ang TCP sa biglaang pagbabago ng pananaw ng ahensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply