Pagbaha, landslides ibinabala sa Luzon

MAY panibago na namang banta ng flash floods at landslides sa Hilagang bahagi at Gitnang Luzon dahil sa pag-uulan na muling mararanasan ngayong Biyernes sa Metro Manila.

Itinuturong dahilan din dito ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang hanging habagat na nakakaapekto ngayon sa Northern at Central Luzon.

“Itong pagpasok ng weekend asahan natin maganda ang weather sa Metro Manila. Pero hindi maaalis ang pagkakaroon ng thunderstorm sa hapon at gabi,” sinabi naman ni PAGASA forecaster Ricky Fabregas.

Halos mag iisang linggo na nagtiis ang mga taga Metro Manila sa malalakas na ulan at pagbaha na napuwersang suspendihin ang klase at trabaho sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Ayon pa sa Pagasa asahan pa ng mga taga Metro Manila ang mga pag-ulan at thunderstorms sa hapon at gabi.

Sa forecast ng Pagasa makakaranas, aniya, ng maulap na kalangitan na may kalat na pag-ulan pagkulog pagkidlat ang Northern at Central Luzon na posibleng magdulot ng flash floods at landslides.”

Nagbabala rin ang Pagasa ng malakas na puwersa ng hangin na may hanging habagat na makaaapekto sa northern at western seaboards sa Northern Luzon at western seaboard ng Central Luzon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply