PAGCOR sinopla ng solon sa budget deliberations

NAGBABALA si House Minority Leader Danilo Suarez na palakasin ang kampanya ng Philippine amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)upang mapataas ang koleksyon nito.
Ito ay matapos ihayag ng ilang PAGCOR officials sa ikalawang araw ng budget deliberations na makalikom ng P45.30 bilyon mula sa kasalukuyang kita nito na P23.41 bilyon.

Agad nagpa-alala si Suarez sa PAGCOR na pangunahing trabaho nito ang magpatupad ng regulasyon sa sugal ngunit hindi ang maghikayat na magsugal ang mga tao para lamang umangat ang income generation sa susunod na taon.

Giit ni Suarez na nakababahala ang planong ito ng PAGCOR dahil tanging sa pagsusugal lamang makakakuha ng malaking halaga para tumaas ang kita ng mga casino.

Posible, aniyang, palakasin ng PAGCOR ang kampanya nito na maglulong sa tao na magsugal at mawalan ng pera para lamang makuha ang projected income nito.

Hindi, aniya, kayang sabayan ng PAGCOR ang ibang mga malalaking pribadong casino sa bansa dahil sila ay sa ilalim ng GOCC at tungkulin nitong sumunod sa itinatakda ng batas.

Bukod dito, inaatasan din nito ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na alisin at ipatigil ang lahat ng illegal games sa bansa.

Nais din ni Suarez na linawing mabuti ng PCSO at PAGCOR ang mga programang ibibigay para sa publiko at hindi ang pagkakitaan ang mga ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply