Pagdi-disinfect sa mga basura sinimulan na

NAGSIMULA na ang pagdi-disinfect sa mga tambak ng basura na iniwan ng malawakang pagbaha.

Ipinakalat ang disinfection at sanitation team ang Department of Health (DOH) upang tugunan ang naging problema sa basura Kalakhang Maynila.

Ayon kay DOH Center for Health Development National Capital Region Director Eduardo Janairo, layunin ng kanilang pagkilos na maiwasan ang pagkakaroon ng outbreak sa mga sakit tulad ng sipon, lagnat, diarrhea, cholera at sakit sa balat na maaaring makuha sa maruruming basura sa mga barangay.

Pinayuhan ni Janairo ang mga basurero na magsuot ng bota at guwantes at maghugas ng paa at kamay pagkatapos mangolekta ng basura.

Nagpayo rin si Janairo sa publiko na huwag maglaro o dumampot ng leftovers sa mga tambak ng basura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply