Pagdiskwalipika kay de Lima, ipaliliwanag ng JBC

NAKAHANDANG magpaliwanag ang Judicial and Bar Cuncil (JBC)  sa naging desisyon nito sa pagdiskwalipika kay Justice Secretary Leila de Lima.

Ito ay matapos na hindi maisama ang pangalan ni De Lima sa shortlist ng mga nominado at pagpipiliang susunod na Punong Mahistratdo ng Korte Suprema na isinumite kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Atty. Jose Mejia, miyembro ng JBC, sumusunod lamang sila sa itinakdang rules kung saan madidiskwalipika ang sinumang nominado na may nakabinbin o kinakaharap na kaso.

Si De Lima ay may disbarment case na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Paliwanag pa ng JBC, ang disbarment case ni Solicitor General Francisco Jardaleza, isa sa pinalad na mapasama sa shortlist, ay naka-pending pa sa Office of the Bar confidant.

Habang ang kay Security and Exchange Commission (SEC) chairperson Teresita Herbosa ay matagal ng nadismis habang ang kay DLima naman ay patuloy na iniimbestigahan ng IBP.

Nilinaw pa ng JBC na hindi rin nila sini-single-out ang Kalihim bagkus ay sinusunod lamang nila ang nakasaad sa batas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply