Paggamit ng compressor sa pangingisda bawal – BFAR

MAHIGPIT na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang paggamit ng compressor sa panghuhuli ng mga isda.

Inihayag ni Mr. Rey Tercio, Fishery Technician ng BFAR na bawal ang paggamit ng compressor sa panghuhuli ng mga isda dahil ginagamitan nila ito ng kemikal na cyanide na magpapahaba sa buhay ng mga isda para magiging mahal ang benta nito.

Maliban dito, ayon kay Tercio, peligroso ang compressor sa buhay ng mga mangingisda, mapanganib ding kainin ang mga nahuhuling isda dahil mananatili sa katawan ng isda ang cyanide na makakain ng tao.

Dagdag pa ni Tercio, ang pagbabawal nila sa paggamit ng compressor sa panghuhuli ng mga isda ay isa lamang sa kampanya ng BFAR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply