Paggamit ng ‘naked power’ ni PNoy, kinondena ng CBCP

NAGPAHAYAG nang pagkadismaya ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa ginawang “display of naked power” ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III matapos na utusan ang mga kaalyadong Kongresista na gawin ang lahat ng paraan upang ipahinto ang debate o period of interpellation sa kontrobersiyal na Reproductive Health Bill (RHB).

Kasabay nito, mariin din nitong kinuwestiyon ang pagsuko ng mga Kongresista sa kanilang “legislative discretion” sa pakiki-alam ni PNoy para maipasa ang RH bill.

Sa ipinalabas na pastoral statement ng CBCP na binasa ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma sa  thanksgiving mass for blood and life na ginanap sa St. Peter Church nitong Lunes ng gabi, binatikos ng CBCP ang “foul tactic” na ginawa ng pangulo at mga kongresista para i-railroad ang panukalang batas at isulong ang pansariling interes na hindi iginagalang ang kasunduan.

“We are dismayed by the display of naked power.  We lament the unilateral disregard of prior agreement in the pursuit of selfish goals.  We detest the unbridled resort to foul tactics.  We denounce the brazen disregard of the basic tenets of fair play and attempt to railroad the passage of the bill.  Not least, we question the surrender of legislative discretion to an intrusive President reminiscent of the events leading to the impeachment proceedings,” bahagi ng statement ng CBCP.

Sa kabila naman ng well-funded na kampanya at pagsasabwatan ng Pangulong Aquino at mga kaalyadong kongresista para maisabatas ang RH bill, tiniyak ng CBCP na patuloy na maninindigan ang Simbahang Katoliko na labanan ang itinuturing na “deadly measure” anuman ang mangyari para sa pagmamahal nila sa Diyos, mamamayan at bansa.

Pinuri rin naman ni Palma at nang buong kapulungan ng CBCP ang mga mambabatas na patuloy na tumututol sa RH bill sa kabila ng banta na babalikan sila ng mga powers that be.

Nananawagan rin ang CBCP sa lahat ng devoted Catholics na magkaisa laban sa RH bill, iparinig ang kanilang boses at ipakita ang pagtutol sa panukalang batas.

Hinimok din ni Palma ang mga mamamayan na paigtingin pa ang pagdarasal para magkaroon ng conviction ang mga mambabatas tulad ni Senador Antonio Trillanes IV na lantaran na ngayon ang pagtutol sa RH bill.

Matatandaang kahit Agosto 7 pa ang takdang petsa para pagbotohan sa Kamara kung ititigil ang debate sa RH bill ay nagbotohan na ang mga kongresista at ipinasyang tuldukan na ito noong Agosto 6 o ilang oras matapos silang pulungin ni PNoy sa Malacanang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply