Paghahakot ng basura sa QC, 10 araw tatagal

NAGSIMULA ng hakutin ang sandamakmak na basura na iniwan ng halos isang linggong pag-uulan dulot ng habagat sa ibat ibang lugar sa Quezon City .

Bagaman ipinag-utos na ni QC Mayor Herbert Bautista ang massive clean up sa buong lungsod na labis na sinalanta ng matinding pagbaha, mahihirapan itong malinis agad dahil sa tantiya ay aabutin pa ng halos 10 araw bago tuluyang maubos ang santambak na basura na nagkalat ngayon sa maraming lugar sa kalunsuran .

Isa rin sa mga kadahilanan ay abala rin ang mga residente sa paglilimas ng mga putik na naipon sa loob ng kani-kanilang mga bakuran at kabahayan dala ng tubig baha na pumasok sa kanilang mga bahay.

Gayunman, nagpadala ng may 200 dump trucks ang Quezon City Environment Protection and Waste management Division o EPWMD at mga tauhan nito na umaabot sa 920 na ikinalat ngayong araw sa ibat-ibang lugar para pangasiwaan ang paghahakot ng mga basura .

Sinabi naman ni EPWMD Operations Head Romano Rios na aabutin pa ng 10 araw bago nila tuluyang malinis ang mga ga bundok na basura na iniwan ng malawakang pagbaha.

Dahil na rin sa dami ng basura iniisip ngayon ng pamahalaang lungsod na ihiwalay ang flood debris sa regular domestic wastes na makokolekta at planong itapon sa ibang lugar dahil posibleng hindi ito kayanin ng Payatas dumpsite .

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply