Paghahanap sa Nepali pilot, palalawigin – DND

PALALAWIGIN pa Department of National Defense (DND) ang ginagawang search and retrieval operations para sa nawawalang Nepalese na co-pilot ng eroplanong sinakyang ni DILG Secretary Jesse Robredo na bumagsak sa karagatan ng Masbate nong Agosto 18, ng hapon.

Ito ang tiniyak ni DND Sescretary Voltaire Gazmin para mahanap ang katawan ni Kshitiz Chand, ang kasamang piloto ni Capt. Jessup Bahinting.

Narekober na kahapon ng mga diver ang katawan ni Capt. Bahinting. Noong Martes, Agosto 21, naman natagpuan ang katawan  ni Sec. Robredo.

Itutuloy ngayong araw ang pasisid sa area kung saan narekober si Capt. Bahinting para mahanap ang katawan ni Chand.

Ayon kay Gazmin, posible umanong napadpad sa ibang lugar ang katawan ni Chand.

Kaugnay nito, nanawagan si Gazmin sa mga residente sa mga baybaying lugar ng Masbate na tumulong  sa paghahanap kay Chand.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply