Pagharang sa kumpirmasyon ni Robredo, itinanggi ni Rep. Villafuerte

PINABULAANAN ngayon ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na siya ang humarang sa kumpirmasyon ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo sa makapangyarihang Commission on Appointments.

Depensa ni Villafuerte, miyembro ng CA at tiyuhin ni Robredo, na wala siyang oposisyon sa pamangkin at sa halip may mga reklamo raw laban sa kalihim na natanggap ang lupon na kinailangang siyasatin.

Sa katunayan pa, aniya, nakiusap sa kanya si Senador Franklin Drilon para suportahan ang kumpirmasyon ni Robredo at pinaboran niya ito.

Napaulat ang iringan sa pagitan nina Villafuerte at Robredo na humantong pa sa labanan sa halalan ng magkaka-angkan.

Naunang inihayag ni ALAGAD Partylist Rep. Rodante Marcoleta na nakatakdang kumpirmahin si Robredo sa August 29, 2012 ngunit tiniyak niyang kahit patay na ang kalihim ay isusulong niyang gawin ang “confirmation posthumously.”

Samantala, nanawagan si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na ipagpatuloy ng susunod na DILG Secretary ang nasimulang reporma ng yumaong kalihim.

Ang pagtuloy umano sa mga nagawa ni Robredo ang maituturing na ‘best tribute’ na magagawa ng pamahalaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply