Mayor Lim walang interes sa DILG post

MARIING inihayag ni Manila Mayor Alfredo Lim na wala siyang interes sa naiwang puwesto ng pumanaw na si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Sinabi ni Lim na mas marami pa siyang magagawa bilang alkalde ng Maynila para mapaglingkuran nang maayos ang kanyang constituent kaysa sa pagiging kalihim ng Department of the Interior and Local Government.

Inamin naman ni Lim na maganda at malawak ang kapangayarihan ng puwesto sa DILG ngunit tiyak rin aniya na marami ang aanihing batikos sa parte ng oposisyon.

Samantala, inindorso naman ni Lim si Senador Panfilo Lacson dahil naniniwala siya na si Lacson, na kilalang crime buster ang akma para sa nasabing posisyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply