Paging Col. Nicolas Torre III

ILANG beses na nating tinalakay ang  tungkol sa lantarang operasyon ng buriki at pirated DVD at CD gangs diyan sa Batangas  City, pero,  hindi kumikilos ang police chief na si Col. Nicolas Torre lll. Kung bakit, yan ang nakakadudang kuwestiyon.

Ganon na lamang ang interes natin na muling pag-usapan ang patuloy na gawain ng mga grupong ito dahil  tayo ay nagtataka sa pagiging bulag, pipi at bingi ng Batangas city police head sa kabila ng katotohanan na ito ay  labag sa batas.

Alam ng lahat na iligal ang buriki dahil ito’y isang pamamaraan ng pagnanakaw  at ang pagkakalat at pagbebenta ng mga piniratang DVDs at CDs ay mariing ipinagbabawal dahil ito’y pamemeke ng mga nasabing items.

Lantaran ang operasyon ng dalawang gangs na ito pero, tila, walang alam si Col. Torre, maging si Batangas provincial commander S/Supt. Rosauro Acio ay  ‘di kumikibo.

Nakakapagsuspetsa ang kanilang pagiging tahimik.

Sa sumbong sa Chokepoint, isang alyas ‘Dondon’ ang nagpapatakbo sa burikian sa Brgy. Paharang, Batangas City at isang nagngangalang  ‘Bobby’ ang nasa-likod ng distribusyon ng DVDs at CDs, di lang sa Batangas City, kundi buong lalawigan.

Ang dalawang ito ay naglalagay daw sa opisina ni Col. Torre at Col. Acio para sila’y ‘du hulihin ng kapulisan. Dapat kumilos ang dalawang magiting na colonel sa mga nabubulgar na ganito para linisin ang kanilang imahe.

DRUG LORDS ISA-ISANG NALALAMBAT

Isa-isang nahuhulog sa kamay ng  mga alertong Customs officials sa Ninoy Aquino International Airport ang  mga miyembro ng international syndicate na ginagamit ang bansa para transit point ng  droga, particular ng shabu.

Noong Martes lang, nalambat nina NAIA SPAS head Marlon Almeda at Legal and Investigation chief Byron Carbonell at mga tauhan  si Thin Yen Duong matapos bumaba sa sinasakyang eroplano na PR-753 mula India.

Nakuha sa posisyon ni Yen Duong ang 2.9 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 million, ayon sa ulat nina Almeda at Carbonell na ipinadala kay Bureau of Customs  (BOC) Commisioner Ruffy Biazon.

Tila, inspired ngayon ang  mga tauhan ng BOC diyan sa airport  dahil sa sunod-sunod na accomplishment  na itinatala, lalo na sa panghuhuli ng mga drug couriers.

Kung ‘di tayo nagkakamali, pangatlo itong si Yen Duong  sa nahuling drug lord na magpupuslit ng shabu sana sa ating bansa, subali’t  ‘di nagtatagumpay dahil  sa pagiging alerto at galing ng intelligence ngayon ng BOC agents.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang, isang Nepal national ang nasakote rin ng mga bataan ni Comm. Biazon.  Unang nahuli ang isang Asean national na nagdala ng million worth ng shabu  sa airport, subalit nabuking  at nasakote.

Ano pa ang masasabi natin kundi papuri na naman kay  Comm. Biazon at mga tauhan dahil sa pagkakasakote ni Yen Duong..

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply