Pagkadakip kay ‘Datu Ulo’ pinapurihan ng NPC

PINAPURIHAN ng National Press Club ang Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sa pagkakaaresto kay Anwar Upam Ampatuan, alyas Datu Ulo,  isa rin sa pangunahing suspek sa karumal-dumal na Ampatuan massacre.

Kaugnay nito, nanawagan si NPC president Benny Antiporda kay Justice Secretary Leila de Lima para bigyang atensyon ang walang humpay na pagpatay sa mga testigo sa kaso, partikular na yaong nasa kustodiya ng Witness Protection Program.

“Mawawalan ng saysay ang mga pag-arestong ito kung wala nang testigong titindig laban sa ginawang karumal-dumal na krimen ng mga suspek,” diin ni Antiporda.

Matatandaan na naganap ang malagim na krimen noong Nobyembre 23, 2009 na ikinamatay ng 58 katao, kabilang ang 38 mamamahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply