Pagkalat ng flesh eating bacteria tsismis lang – DOH

PINAWI ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko hinggil sa pagkain ng raw foods dahil sa kumakalat na impormasyong posibleng sa bansang Pilipinas nagmula ang sakit na flesh eating bacteria (FEB).

Ang kumalat na impormasyon ay matapos muling uminit ang isyu ng naturang sakit dahil sa pagkamatay ng isang overseas Filipino Worker (OFW) mula sa Hong Kong na sinasabing nagkaroon ng FEB.

Ayon kay DOH spokesperson at Asec. Eric Tayag, walang ganoong findings ang mga eksperto sa loob at labas ng bansa, kaya maituturing na tsismis lamang ang pag-uugnay sa FEB at raw foods.

Nilinaw din ng opisyal  na ang natukoy na bacteria ay hindi naman talaga kumakain ng laman at sa halip ay naglalabas lamang ito ng lason na sumisira sa mga bahagi ng katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply